Pitik-bulag: Pinaglaruang Kapalaran ni Juan Dela Cruz

backblog: I’ve written this speech a year ago as a requirement for FIL001.

Pitik-bulag. Pitik-bulag? Pitik-bulag! Oo, pare ko, pitik-bulag! Siguro ngayon mo nalang ulit narinig ‘tong salitang ‘to na kasabayan nina “tong, tong, tong, tong pakitong-kitong” at ni Pong Pagong. Marahil ‘di ka makapaniwala na naririnig mo ulit ang makapangyarihang titulo ng paborito mong nilalaro kasama ang paborito mong pag-tripan na kaibigan. Naaalala mo na ang mga panahong bidang-bida sa telebisyon si Tita Charo sa kanyang “Maala-ala Mo kaya” habang kayong magbabarkada ay tuwang-tuwa sa pamimitik sa namumula ng kamay ni Lito kasi mag-iisang oras na ‘di parin tama ang kanyang hula. Miss mo ng manloko noh? Miss mo ng mamitik? Hay, hay, hay pare, kung alam mo lang – hanggang ngayon, pitik-bulag parin ang laro natin. At sinasabi ko sayo, hindi ka matutuwa sa mga bagay na sasabihin ko pa kasi bukod sa ikaw ang taya, e parang tuluyan ka nang nabulag.

Nais kong ibalita sa inyong lahat si Juan Dela Cruz, na sikat din bilang Juan Tamad, ay nananatiling taya sa tila walang katapusang pitik-bulag maraton na pinangungunahan ng “magaling” nating pamahalaan. Maga na ang kamay ni Juan sa kakapitik ng mandarayang gobyerno. Bakit hanggang ngayon, kahit nasasaktan na, taya pa rin si Juan? Wala ba siyang balak gawin? Ayaw n’ya bang lumaban? Aba, kaya naman pala, may kasabwat itong magaling na gobyerno – Si Sammy Boy at si Mister Bin, nanlilito, nanghihilo para si Juan manatiling lito at hindi mahulaan ang pinangpipitik.

Pagtaas ng presyo ng langis, mga pangunahing bilihin, pamasahe, at sumabit pa ‘tong E-VAT – ewan ko ba, sabi nila ang mga dagdag sa mga gastusing ito’y solusyon daw sa kahirapan, susi sa kaunlaran. Bakit kailangang pang dumagsa ng daan-daang tao sa Ultra para sa pag-asang maging instant milyonaryo kung ang bansa nati’y handa ng umunlad? Hay, buhay.
Buti’y paminsan-minsa’y nariyan sina Gabriela, Tropang Nag-aakbayan, at mga guwaping na Inuuna ang kapakanan ng Bayan at paminsan-minsa’y nakakasilip si Juan. Pero kulang, malabo, hindi ito sapat upang tumama ang hula niya. Hindi sapat. Ano nga ba ang solusyon? Simple lang, eh di tanggalin ni Juan ang kanyang kamay umayaw sa laro at, batay sa kanyang karanasan, pangunahan ang isang larong walang maaapi at tungo sa ika-tatagumpay ng lahat. Ang dali ‘no?! Hindi ka pa rin makapaniwala? Matagal ka na kasing binulag ng panahon. Tsk, tsk, tsk. Oo nga pala, bago ko makalimutang sabihin. Si Juan at IKAW ay iisa. Kaya’t ano pang inuupo mo d’yan? Galaw-galaw baka ma-stroke, KILOS KAIBIGAN!

One thought on “Pitik-bulag: Pinaglaruang Kapalaran ni Juan Dela Cruz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s